A simple note for the enthusiastic ones.

Thank you for being here, thank you for the interest, the enthusiasm, for doing what is needed to be done, for giving more than what is required from you. I do not know if this would happen to everyone but I’ll be speaking based from experience.

At the start, having all the energy, interest and enthusiasm, you’re gonna feel so great. You’ll feel good in helping people finish stuff to be done, you’re gonna feel like there so much of you to give. You’re gonna feel like you’ll never run out of energy. There so much to be explored, there’s so much to know, there’s so much to prove, there’s so much to feel.

But at one point, you’re gonna snap. It may happen really abruptly, but most of the times you’ll feel before it really happens. You feel that gradual lost of interest. There will be times you would feel unappreciated and that you have been wasting your efforts all along. You’re gonna feel tired of everything and it may or may not affect other parts of your life. And here comes the time you’ll probably regret being so outrageously enthusiastic at the start but let me tell you this:

Don’t just give it up. You can’t just give it up. Finish it, for the people who trusted you. There may be a lot of times you won’t feel their appreciation, but trust me, once you’re done, they would. Or normally, they would. They should.

Speaking of “normality”, let me tell you, that (hopefully) you are as well normal. It’s normal to feel that way. It’s normal to feel sad for being taken for granted, and let me tell you that it is OKAY to get tired. It’s okay to rest for a while, to reflect, and think if this is all going to be worth it in the end. And then here comes this quote,

“Don’t quit. You’re already in pain. You’re already hurt. Get a reward from it.”

These are the words I live by since I’ve experienced such “feelings” in life. Don’t quit. People need you. Once you’re done, trust me, you’re gonna get all the respect you deserve.

After that you’re just gonna look back and say “Everything was totally worth it.” Not because of the brief days, hours, or minutes of total fame and glory. But because of all the lessons you have learned. How you pushed yourself to exceed your limit, and never giving up. All the emotional turmoil just turns into memories of how you have achieved pure happiness, for doing whatever-you-have-to-do for yourself and the people you care for.

Para sa pagtatapos ng isang buwis buhay na sem.

Hindi ko na ma-imagine kung gaano kahaba itong sem na ‘to. Hindi ko maimagine na natapos ko ‘to. Iniisip ko palang yung mga nangyari bago mag January, nalulula na ko.

Holy Wednesday na ngayon, pero kakasimula palang ng bakasyon ko. Kakapasa ko lang ng huling requirement. 1st time kong wala sa UP sa loob ng 40+ consecutive days. Grabe. Lenten na lenten season naman. Talagang 40+ days. :)
At kasabay ng lenten season nga ay mukhang passion of Kaycee ang naganap.

Hindi ko na iisa-isahin dahil ayoko na silang maalala pa. :)) Masasabi ko lang, intense maging Arki-student-na-may-intense-engg-org. Basta, ayun. Tapos na e. At dahil hindi ko alam kung paano tatagalugin yung mga susunod na thoughts, english nalang okay!

This sem had been one hell of an emotional roller coaster ride. It has pushed me to my limits, made me mad so many times, made me laugh so much more times, wasted so much of my money, efforts, time, and so much more resources, but has NEVER made me cry.

This semester made me stronger than ever. Making me realize so much of my potentials, capabilities and most of all, my WORTH. This sem, self-dubbed as the WORST sem ever (due to buwis buhay moments), ironically was also my HAPPIEST sem ever (due to buwis-buhay-nga-pero-buhay-pa-rin-tayo moments).

To all the sleepless nights, to all the pains, to all the muntik-na-ko-umiyak moments, to all the oh-shit-baka-bumagsak-ako-sa-exam-moments, to all the pagbibilad sa araw, to all the cramming, running, falling down the stairs, I’m so glad you are finally over.

Kung may tumatak man sa isip ko ngayong sem, “Never give up.” 

Ibigay mo lang lahat ng kaya mo. Dahil sa dulo, Achieve man o sawi, wala kang pagsisisihan. You did your best. That’s what’s important.

Salamat sa mga nakasama kong magbuwis buhay, mastress, kumain, maglakad, tumambay, magalit, o tumawa. Salamat. Sa wakas, makakapagpahinga na tayo, kahit konting linggo lang. Salamat sa lahat ng dumating sa buhay ko nung mga panahong to, salamat sa mga hindi umalis, at sa lahat ng aalis (dahil gagraduate na or what), maraming salamat sa lahat ng pinagsamahan natin. Graduate na kayo. Darating din ako diyan. For now, libre naman diyan! :)

Just survived death March

So kahapon, last day of exams ko na. Yes! Ang sarap ng feeling! Although, may kailangan pa akong isubmit sa Tuesday. Pero keri-keri na yan! :) So anyway, may blog tungkol dito dahil.. gusto ko ulit mag-overshare haha. Okay.

So intense pala talaga ang hell weeks na naranasan ko. Medyo nashock ang aking mind, body and soul. As usual, all nighters when making plates. Sobrang deep emotional shit nalang talaga nung nangyari kasi habang gumagawa ako ng Final Plate.

So ang nangyari ay shit muntik na akong umiyak mag-isa. Mukhang napaaga ang Holy Week ko e! Pero seryoso, yung feeling ko guguho na yung mundo, yung feeling na sobrang disappointed ka sa sarili mo. Pero wala kang magagawa. Gusto ko nang umiyak. Pero sa sobrang kailangan ko tapusin yung ginagawa ko, hindi nalang, dahil lalong hindi ko matatapos. Pero sobrang dami nang pumapasok sa isip ko nun. Na baka mabagsak ko to. Uulit ako ng klaseng to. Tatagal pa ko sa college. Sobrang hirap. Yun talaga yung moment na kahit pa ilang beses mong sabihing suko ka na, wala kang magagawa.

Sa totoo lang, kung ako lang talaga, suko na ko e. Sobrang hindi ko na kinakaya nung oras na yun. 2 oras nalang natitira, wala ka parin sa kalahati ng kailangan gawin. Kahit na 24 oras mo na itong ginagawa. Walang kain. Walang tulog. Just sting. Gusto ko na umiyak pero bigla kong naisip, “shit sayang sa oras pag umiyak pa ko” so ayun hindi nalang ako umiyak. HAHAHA. Random.

So okay life lessons. Ang hirap pala pag wala sa choices mo yung “Give up”. You have no other choice but to fight a losing battle. But in the end you’ll realize, “At least I fought for it, at least I tried”. Masarap sa feeling. Akala ko nun buong araw akong magmumukmok sa kwarto dahil sumuko ako. Pero dahil I tried my best even though I didn’t succeed that much, gora nalang.

Deep shit right there.

Random blog entry na may picture na walang kinalaman sa sasabihin ko. or not.

Isang linggo nalang! Pero bago ko simulan yung plates ko, magdadrama muna ako. Or not! Masyado nang naiinfiltrate ng ka-emo-han ‘tong napakasayang blog na ‘to.

So ito. Kailangan ng masaya dito. HAHAHA. Wait feeling ko hahantong nanaman tayo sa isang emo post pag kinuwento ko tong picture na to. Sooo, anyway, nag-“family picture” kami sa Engg Steps last Thursday. Bago sumabak sa hell week ang mga tao. :) Sobrang dami pang wala rito kasi may class pa sila nito :< Anyway ito pala yung dahilan kung bakit ako napilay! :) Tanga moments. :))

<*skipping emo part of the program*>

So, wala naman daw bali yung paa ko. Or nooot! Hahaha! Soo after 6 days ng pagkadapa, feeling ko okay na ulit yung paa ko. Tapos dahil magaling akong magcram, minamadali ko yung paper ko kahapon na ipapasa ng 12nn. At 11:40 na nung magpaprint ako (at ipapabookbind ko pa yun!) So dali-dali akong tumakbo habang iniisip na hindi na ako pilay hindi na ko pilay hindi na ko pilaaaaaaay! Pero pagkatapos kong tumakbo, nasabi ko ngang “Pilay pa rin pala ako” Bwiset sobrang sakit! HAHAHAHA! So ayun. Wala na kong magagawa move-on. Kbye.

Moving on…

Hell week, month. Death March namin ngayon. Sobrang define shitajgfhjgkhgaghjhgjdgjdhskhdjjskajadaming ginagawa pero ito ako ngayon nagttumblr. Bastos. Sira ulo talaga ako. Wait kailangan ko na talaga simulan yung plate ko :< Kaso wala akong makitang inspirasyon. :( Haaaay life. Buwahahaha. Jokelang. Or not! HAHAHA. Shet ba’t ako nagttumblr. :< Must do plate. Grabe yung isang plate namin. mga 10 figures yung iddrawing namin. Buwiset tapos medyo wala talaga akong maisip. Waaa. Nakakalungkot. Hindi ko na alam gagawin ko huhuhu. Or noooot! hahaha sobrang what the hell baliw na ata ako :( Hay sige na nga makiki-uso na ko sa iba. Magbubusy-busyhan na ko. Yehey! Paalam!

So wala talagang kwenta tong blog entry kong to. Pasensya. Gusto ko lang talaga magblog bago ko simulan ang aking LAST WEEK OF HELL. Yehey! 7 days nalang! YEY! Paalam! :)

Puso Above Anything Else

Appreciation post.

May panahon na kinuwestyon ko kung bakit ako nandito sa org na ‘to. Panahon na napagod ako. Panahon na konti nalang, aayaw na ko. Panahong parang feeling ko, napakawalang kwenta ko. Panahong parang walang nakaka-appreciate. Mga panahon na hindi naramdaman ng karamihan. Ito yung mga panahon na gusto ko nang ibaon sa limot. Dahil siguro sa mga panahon na yun, medyo hinahanap ko yung sagot sa tanong ko na nabanggit sa unang sentence ng paragraph na to.

“Bakit ako nandito?”

Hinahanap ko nga ba o nagbubulagbulagan lang ako? Kagabi, nasagot na yung tanong na yun. Sabi nga sa speech ni kuya Raymond… (non-verbatim) “These members, ladies and gentlemen, are the reason why this organization stands strong.”

Nandito ako kasi kailangan ako nito. Nandito ako kasi mahal ko ang mga taong nandito.

Minsan siguro hindi na natin kailangan maghanap ng kapalit para sa mga efforts natin. Minsan hindi natin kailangan ng konkretong rason kung bakit. Minsan, sapat nang malaman na naappreciate nila ang mga ginagawa mo. Yun lang, masaya na ko. Masaya na ko na kahit hindi man top position ang nakamit namin kagabi, napasaya ko yung mga orgmates ko. That’s all that really matters. Sobrang fulfilling. Kahit simpleng thank you lang. Simpleng congratulations lang. OK na. This organization is more than just an organization. It is a family, a family that appreciates each other and once again.. has proven its worth last night.

Sabi nga nila, “Last night was a night of gratitude, rather than recognition.” True enough. And last night, naramdaman ko kung gaano kami kaimportanteng lahat sa CIEM. Last night napatunayan ko kung gaano ako kamahal ng CIEM, at kung gaano ko kamahal ito. Last night, napatunayan ko sa sarili at sa harap ng marami na may kwenta ako. kami. Kaming mga batch 10. Minsan na kaming nasabihang weak. Well, last night, WE HAVE PROVEN ALL OF THEM WRONG.

Hindi pera ang puhunan ng pamilyang ‘to… PUSO above anything else.



CIEM AVP. #AngSarapMagingCIEMer

Minsan kapag sinipag akong magblog. At mag-emote.

Minsan pag wala akong magawa o pag tinatamad akong gumawa (ng plate). Ito, magbblog nalang ako. Minsan ko nalang magawa to. Minsan nalang kasi nagkakafree time. Minsan nalang totally walang magawa. Minsan kapag may gusto akong sabihing hindi ko masabi. Minsan kapag ako’y naguguluhan. Minsan kapag may bagong napagdesisyunan. Minsan kapag may gusto akong ipaalam.

Wala lang. Makapag-intro lang. Minsan bigla nalang magbabago ang lahat. Minsan dumadating yun araw na bigla mo nalang namalayang ibang tao ka na. Minsan mahirap. Minsan kailangan nalang tanggapin. Minsan kailangan mo rin namang pigilin.

Nitong nakaraang mga buwan, (yes bakit purong tagalog ako ngayon), unti-unti akong nawalan ng gana. Minsan di natin akalain, darating pala ang araw na yun. Minsan mas pinahalagahan ko ang org works kaysa acads. Minsan, napagod ako. Minsan, sobrang gusto kong tumulong, pero hindi ko na kaya tulungan ang sarili ko. Marami akong hindi napasukang mga klase. Dahil minsan may kailangan asikasuhin, minsan pagod, minsan wala na lang talagang gana. Minsan Madalas hindi ako makatanggi. Siguro either mabait ako or uto-uto.

Recently, ayun. Naging delinquente ako sa acads dahil sa sobrang kasipagan sa ibang bagay. (or not. di ko alam kung masipag nga ako nun. pero basta masyado niyang ino-occupy ang pag-iisip ko) Di ko na maisip kung gaano karaming beses na akong di pumasok, kung ilan dun ang free cut, at kung ilan dun ang sadyang absent ako. Pero minsan, narealize ko. Mali tong ginagawa ko. Di ko alam kung saan ako babawi. Pinangako ko namang babawi ako. Actually, okay pa naman ako. Nakakapagsubmit ako ng requirements. (May isang beses hindi ako nagsubmit ng plate dahil sobrang galit ako sa Prof ko) Pero siyempre ako parin naman ang maapektuhan diba. Alam ko naman yun. Nung oras na yun, hindi ko na alam ang gagawin ko. Minsan, kailangan nating ipakita sa mga taong nahihirapan na tayo. Hindi lang sabihihin. Kundi ipakita. Minsan, sumuko nalang ako. Sinuko ko ang isang bagay na akala ko ay para sa akin na talaga, pero hindi talaga. Kasabay ng pagsukong ito ay ang pagsuko ko sa lahat ng bagay na kailangan ko sa buhay. (YES PANGTELESERYE! SHET) Minsan, kailangan nating madapa para makabangon. Sa kaso ko, dinapa ko ang sarili ko. Para masaktan ako, masugatan, at bumangon. (yes emo!)

Pero recently. Sobrang manhid ko nalang. (What!) Seryoso. Kasi medyo alam ko nang late ako pero hindi ko pa rin binibilisan. Alam ko nang paghindi pa ko nagsimula sa plate ko ay hindi ko to matatapos pero hindi ko pa rin ginagawa. Alam kong makaka-apekto sa grade ko ang hindi ko pagpasa ng plate (ito yung dahil galit ako sa prof ko) pero hindi ko pa rin ginawa. Alam kong mali pero ayaw ko pa ring itama. Baliw na yata ako.

Pag nalaman to ng nanay ko, papabalikin niya ko sa Bicol. Tenenenen! Ayoko mangyari yun! Kaya eto na. Sabi ko nga kanina diba, “Minsan kapag may gusto akong ipaalam.” Ipapaalam ko sainyo na nangangako akong babawi. Huling buwan na. Hindi na ko mag-cucut. Hindi ako masisingko. Babawi ako. Kailangan ko to. Kasabay ng pag suko ko sa “kung-ano-mang-bagay-to”, ay ang muling pagbangon ng aking buhay. YES. Woo! (Pang pelikula much!)

Minsan gusto kong maging masaya pero di ko kaya. Minsan emotera lang talaga ako. Tulad ngayon. HAHAHA! Pero ayon, uulitin ko nalang ang aking mahiwagang words of wisdom for this entry: Minsan, kailangan nating madapa para makabangon. Sa kaso ko, dinapa ko ang sarili ko. Para masaktan ako, masugatan, at maghilom (ang pusong sugatan haha what joke lang hahahaha!) at higit sa lahat bumangon.

PS: Sobrang walang kinalaman ang entry na to sa love life. Ito ay about “life in general” :D

“Na-engg vibes ka na kasi”

Sabi nila, bagay daw ako magblog. Ano ba yun? Paano ba yun nalalaman. Wala naman kasi akong makkwentong may social impact. HAHA. Ganun ang tingin ko sa pagbblog. Paano ba magblog? Madalas, nagkkwento lang ako. Parang diary. Pakialam ba ng mga nagbabasa nun sa buhay ko? HAHA. So susubukan ko nalang magsulat ulit. Tungkol saan? Hindi ko alam. So magkkwento nalang ako. Tapos tignan natin kung ano mangyari.

Ngayong second sem, ewan ko. Actually masaya naman ang sem na ‘to. Palagi naman akong masaya. Pero palagi ring confused. Sa totoo lang, ang sabaw ko. Wait. Hmmm. Okay. Ganito kasi. Ang buhay ko ay nakakalito.

Masaya naman ako nung nalaman kong natanggap ako sa Arki. Pero may part na malungkot. Right now may part sakin na gusto kong bumalik. Swear. Pero tuwing sinasabi kong ayoko na… bakit parang ewan. Hindi ko rin naman masabing… ito na. Dito na ko ggraduate.(Okay nastress ba kayo? Sorry nasstress ako kasi andaming bata dito sa paligid ko. Ayoko sa mga batang makukulit. HAHAHA!)

Going back. Okay ayun. I am confused. But not so confused. Tuwing gumagawa nga ako ng plate. As in during the process, yung time na sobrang antok ka na, tapos yung mga roommates mo walang ginagawa, naglalaro ng Sims, o kaya tulog, ayun, ilang beses ko nang nasabing ayoko na. Babalik na ko sa Engg. (Yes naman babalik na nga lang sa Engg pa kala mo naman hindi mahirap dun?!) <—kausap ang sarili hahaha k. Anywaaaaaaaay! Ayun.

Pero alam mo ba, tuwing nakakatapos ka ng plate, tuwing napupuri ng mga tao yung gawa mo, tuwing naffeel mo na tama yung ginawa mo dahil sa mga sinasabi ng Prof mo, sobrang fulfilling nun. Sobrang kala mo andali lang nung ginawa mo. Ang gaan ng feeling.

Tama nga yung sinabi nung pinaka-unang design prof ko. “Your stay here in Arki is gonna be a BITTERSWEET experience.” Hindi ko alam kung hanggang saan ko kaya to. Karamihan ng kaibigan ko hindi ganito. Normal silang estudyante. By normal I mean, aral, exam, social life ng konti, aral formula aral concept. Ibang iba sa akin. Drawing. Plate. Wala tulog kung gusto ng social life. Daming sakripisyo. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin. (SHET ANG DRAMA NA NITONG SINASABI KO HAHAHA OA)

Wala rin akong gaanong friends sa Arki. Dahil ayoko sa kanila. HAHAHA JOKE. Sungit. Karamihan sa kaibigan ko dun, Shiftees din. Ewan ko kung bakit ang iba ng culture sa Arki. Seryoso parang hindi UP. Or sabi nga nung isa kong kaibigan, “Na-engg vibes ka na kasi”.

Engg vibes.

Nung isang araw, nakausap ko yung… membership head (actually hindi talaga siya yung head. pero siya yung namamahala. eh basta) nung isang Archi org na inaapplyan ko. Nasabi ko na sa kanya na, nawala sa priorities ko ang application ko sa org nila. Nabanggit niya na baka kasi meron akong ibang org na inaapplyan, or inaasikaso.

Nasabi ko sa kanya na yung Engg org ko. At kung bakit ako nandun. At ang sabi niya “alam mo. nung nakilala kita, iba ka sa ibang applicants na babae, na-engg vibes ka na pala kasi”

Engg Vibes.

Meron ba talagang Engg vibes? O meron lang Arki vibes? Masasabi ko lang… buti nalang nag-Engineering muna ako. Buti nalang sa CE ako unang natanggap. Buti nalang. Kasi kundi, ayun. Nalike yeah like yuh I know right na ako.

Pero shifting back to Engg? Naisip ko yan. Napabuklat ng Engg Handbook na medyo 1 week rin na nasa backpack ko. Wala, sinasara ko lang din. Nakakatamad magbasa. Sa ngayon, masaya ako kasi may Engg org ako. They keep my feet on the ground. Seryoso. Imagine kung wala sila. Siguro iba na kong tao. Mabilis akong dapuan ng peer pressure. Kaya I choose my peers carefully. Hindi ko sinasabing weird yung mga nasa Arki. Pero kahit yung kaibigan kong dalawang taon nang nandun, aminado, may something. Hindi naman lahat ng tao dun ganun. May mga low profile rin. Sana mahanap ko sila.

Sa ngayon, kahit gulong gulo na ko sa course kong hindi ko alam kung laban o bawi, masaya ako ngayon. Masaya na ko sa Engg Vibes. Masaya akong nandito ako sa Course na SABI NILA itinadhana na para sa akin. Yung fulfillment ng mga ginagawa sa course na yun + friends na masaya kasama. Engg Vibes. Masaya na ko.

Yes naman. May na-iblog. Okay. Bye.

11.07.11

Trinoma with Faye, Cor, Chels and Sha! :)

“Kaya naman pala hindi dumating yung pagkain ko e! Kulang ng “maganda” sa description!” - Faye Huelva, 2011

5 points in 60 seconds. Beat that.

Di ko alam ano tawag sa game na to basta its weird and stressful hahahaha :))

And there we go… the game that gave us muscle pains. :))) 

Such a fun day. Lol.

Putography Stuff

As you can see, shinoshow-off ko lang ang mga bagay-bagay sa aking buhay sembreak. HAHAHA. :) Anyway, kita niyo ba yung cute na maliit na slr? Yun ang pinaka-“omaygad-sobrang-awesome-na-keychain-to-shet-amazing” na regalong natanggap ko nung 18th birthday ko. Regalo ni Charlyn Serrano. Seryoso may flash siya at tumutunoggg! :D :D

Nakita niyo ba yung lens na sobrang obvious na hindi tunay na lens? HAHA. :) Regalo yung ni Sharleen Benson! Well, it’s a portable fan. (At napaenglish?) Lol. Sabi niya hindi lang daw yan ang regalo niya sakin. Sa Manila nalang daw niya ibibigay yun kasunod. HAHAHA :))

Nakita niyo ba yung camera strap? Regalo yun ni Chelsea Falcon. (so kailangan talaga full name yung sinasabi ko? HAHA :)) Anyway, yun. Coolio kasi bagay siya sa bag na niregalo ni Faye Huelva. (na wala sa picture) Pero shit men, it’s a camera bag na hindi mukhang camera bag! Yaay! Just what I needed! 

At nakita niyo ba yung mahabang lens na nakatayo? Okay, sa picture na to I guess mukha talaga siyang hindi lens. HAHA. Sayang… could have fooled you guys. HAHA Anyway, regalo yun ni Cj Bands! :) It’s the famous Camera Lens Cup/Tumbler.

At ngayon alam niyo nang totoo ang sinasabi kong andami daming nagregalo ng Photography Stuff sa akin. Bow… wowow.

101

Naalala ko lang sabi ni Corinne dati, not so long ago, nung nakita niya akong nagbbrowse ng Archi book sa Fully Booked… “Sige Architecture Book nalang ireregalo ko sa’yo”

Tapos ako naman, “Sige ba”. Di niya alam OA sa mahal yung libro. HAHAHA! :))

At tinupad naman niya yung sinabi niya at binigay ang aking pinaka-unang librong may kinalaman sa Architecture. Nasa 40th thing palang ako e. Pero nakakatuwa yung mga nakalagay, pang-architecture nerd nga tong librong to. :bd 

Salamat kay Corinne Tayamen sa isang awesome na regalo! :>