Debut

Sorry 1 week late kung mag-update hahaha. :) 

Okay, nag-18 ako nung Friday, Oct 21. Cinelebrate last, Oct 22. Okay ang bading talaga hahaha :))

Ang birthday party na to ay medyo surprise.

Medyo oo, medyo hindi. Alam ko kasi na may party. Pero iniisip ko, kainan lang, ganun, tapos magswswimming. Hindi ko alam na ganyan ka-bakla yung venue. Hindi ko nga alam na diyan e! Akala ko doon sa isang maliit na hall lang nung resort kasi kakain lang naman. Okay anyway ayun. Hindi ko alam na nakikipag-usap pala yung barkada ko sa nanay ko. Okay medyo nagkahint na ko dahil alam na alam nung kaibigan ko kung sino sino mga pupunta. Pero since sobrang pagod ako from all the plates na pinagdaanan ko, hindi ko na rin kayang isipin kung ano mang meron. Basta ako, kakain at maghahave fun. HAHA. Actually hindi na rin ako namilit ng mga tao. Kasi sobrang busy ko talaga. (naks) Actually lahat ng pinagawa sa akin na related sa party na to ay hindi ko nagawa. Dahil busy nga ako! Tulad ng pag gawa ng thank you speech. Kaya Impromptu at sabog kaya puro “salamat” lang yung nasabi ko the whole speech with matching nakakaiyak tong moment na to tears. HAHAHA. Going back, buti naman medyo marami ang pumunta. Malay ko ba naman kasing may 18 roses at wishes. Nalaman ko lang nung moment na mag e-18 roses na. E di sana nang imbita ako ng maraming gwapo! HAHAHA! Biro lang. Gwapo naman sila. HAHA lol. Pero ayun buti naman at kumasya naman sila sa 18 roses at wishes. Anlandi lang. HAHAHA :) 

Ayun andami ko nang kwento. Masaya! Buti nalang masaya! Nagovernight swimming kami tapos yay ang cute nung tinulugan namin. Parang maliit na bahay for us hs friends. Hihihi :> At can I just say, sobrang cool ng mga regalo ng mga tao sa akin. Karamihan ay may kinalaman sa Photography. Astig. :D Salamat sa lahat! (Kahit na hindi nila mababasa to :))

Okay next goal, mag-aral magdrive! Wee! :D